Komunidad sa Quiapo, San Sebastian, Binondo nagsasaya sa paggaling ni Pope Francis
MANILA, Philippines — Nagsasaya ang mga mamamayang deboto ng simbahan sa Quiapo, San Sebastian at Binondo dahilan bumubuti na ang kondisyon ni Pope Francis na hindi na limitado ang galaw sa kaniyang hospital bed at nakakatulog na ng maayos.
Ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, nakikiisa siya sa kaniyang mga constituents sa pagdarasal para sa tuluyang pagbuti ng kondisyon ni Pope Francis.
“I join my constituents in fervent prayer for Pope Francis, who continues to serve God and the Church with utmost faith and devotion”, ani Chua.
Inihayag pa ni Chua na bilang Alumnus ng San Sebastian College at University of Santo Tomas ay kaisa siya sa pananalangin para kay Pope Francis.
“I am united in prayer and hope for divine wisdom for the Cardinals upon whom fall the crucial role of implementing the instructions of Pope Francis while he is in hospital recovering”, ang sabi pa ni Chua.
- Latest