Single parent, PWD prayoridad ng Mayoralty bet sa Pasig
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pasig City Mayoralty bet Cezarah Rowena “Ate Sarah” Discaya na bibigyang-prayoridad niya ang karagdagang tulong para sa mga single parents at sa mga pamilyang may anak na may mental health conditions.
Ang paniniyak ay ginawa ni Discaya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo publiko sa mga persons with disability (PWD).
“Mahirap ang buhay ngayon. Kung ang mga regular na pamilya ay hirap sa taas ng bilihin, mas lalo na ang mga single parents na solong nagpapalaki ng anak, at ang mga magulang na may anak na may kondisyon tulad ng ADHD at autism,” ani Discaya.
Personal aniyang ramdam ang pangangailangan ng mga ADHD dahil mismong ang kanyang apat na anak may mental health conditions.
Sakaling mahalal, isusulong ni Discaya ang mas malaking medical assistance at serbisyo para sa mga batang may mental health challenges gayundin din ang karagdagang benepisyo para sa mga single parent, kabilang ang mas mataas na diskwento sa mga pangunahing bilihin.
- Latest