2 bagong multi-purpose building sa Navotas, pinasinayaan
MANILA, Philippines — Upang mas mabigyan ng maayos at maaliwalas na lugar ang mga Navoteño, dalawang bagong multi-purpose building ang binuksan sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Tiangco ang San Rafael Village at NBBS Dagat-dagatan Multipurpose Buildings ay bahagi ng patuloy na programa ng city government na makapagpatayo ng mga lugar na magagamit ng mga residente ng lungsod.
“Ang mga multi-purpose building na ito ay para sa ating mga Navoteño—upang magkaroon tayo ng mas maayos at maaliwalas na lugar para sa ating mga programa at iba pang mahahalagang gawain. Isa rin itong hakbang para lalo pa nating mapatatag ang ating komunidad,” pahayag ni Mayor Tiangco.
Nabatid na ang dalawang 3-storey multi-purpose building ay may basketball court, function rooms, at parking spaces na magagamit ng bawat residente para sa recreational, social, at civic engagements.
Ayon naman kay Cong. Toby Tiangco, tuluy-tuloy din ang mga infrastructure projects sa lungsod na mapapakinabangan ng mga Navoteño at magbibigay ng pag-unlad sa lungsod ng Navotas.
- Latest