Pilipino Star Ngayon - Metro | Philstar.com
A portal of daily newspapers covering Philippine news headlines, business, lifestyle, advertisement, sports and entertainment. Also delivers Manila and Cebu news.
Kalaboso ang tatlo sa apat na lalaki na nagpanggap na mga babae at nangholdap sa isang 31-anyos na lalaki na kanilang ka ‘eyeball’ sa social media sa Cubao, Quezon City, noong Martes ng gabi.
Nagdulot ng napakabigat na trapiko ang pagbangga ng isang trailer truck sa concrete wall ng South Luzon Expressway sa West Service Road sa Parañaque nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 20.
Hinimok ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga gobernador at alkalde sa Southeast Asia na isalin sa konkretong programa at mas maayos na serbisyo ang mga layunin ng Association of Southeast Asian Nations upang direktang mapakinabangan ng mga mamamayan.
Kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month at papalapit na Pasko, asahan nang makikitang nakakalat ang mga pulis sa lansangan anumang oras kasunod ng pagpapaigting ng National Capital Region Police Office ng kanilang pagbabantay sa mga batang nangangaroling sa mga kalsada at mga sasakyan.
Sangkot din sa kaso ng pagdukot sa isang Chinese national at dalawang tauhan nito sa Maynila noong 2025 si PMajor Jasper Benedict Santos at pito pang pulis na pawang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group.





