Pilipino Star Ngayon - Probinsiya | Philstar.com
A portal of daily newspapers covering Philippine news headlines, business, lifestyle, advertisement, sports and entertainment. Also delivers Manila and Cebu news.

Lima katao ang sugatan makaraang bumagsak ang isang light-emitting diode wall sa isang konsiyerto sa Santiago Sports Complex sa Brgy. Baluarte, Santiago City, Isabela nitong Lunes ng gabi. Kinilala lang mga biktima sa mga pangalang Raysa Mae, 11-anyos; Jessica at Sunshine Mae; kapwa 18-anyos; Princess, 19 taong gulang at Maria Teresa; pawang residente ng lungsod. Sa report ng Santiago City Police, ang LED wall ay bumigay dahil sa malakas na hangin sanhi upang mabasag na tumama sa limang nanonood sa concert sa kasagsagan ng kasayahan sa lugar.
Binatikos ng grupo ng mga kababaihan si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte matapos siyang madawit sa umano’y prostitusyon sa lungsod.
Tila isang eksena sa pelikula ang naganap na habulan sa pagitan ng dalawang Chinese national na sakay ng pickup truck at mga awtoridad nang kanilang takasan ang isang Comelec-PNP checkpoint at nanagasa pa ng pulis kamakalawa sa Daang Hari Intersection, Bacoor City.
Dalawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage o summary execution ang natagpuang nakalibing sa isang taniman ng tubo sa Hacienda San Roque, Brgy. Cubay, La Carlota City, Negros Occidental kamakalawa ng umaga.
Kapwa nagkalasug-lasog ang katawan at agarang nasawi ang driver ng isang tricycle at pasahero nito matapos mabangga sila ng kasalubong na van sa kahabaan ng national highway ng Brgy. San Isidro, Sto.Domingo, Albay kamakalawa ng madaling araw.