NBI probe sa mainstream media vs sedition

MANILA, Philippines — Inamin ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Judge Jaime Santiago na iniimbestigahan nila ang ilang miyembro ng mainstream media na umano’y nag-uudyok sa publiko sa sedisyon.
“Meron tayong iniimbestigahan na kasama natin, legal, legitimate na media men, pero lumalampas na siya sa parameters,”ani Santiago sa panayam DzBB.
Ayon kay Santiago ang ilang mainstream media pa ang gumagawa ng kaguluhan at nang-aakit sa publiko na makagawa ng sedition.
Hindi naman idinetalye ni Santiago kung ilang mainstream media member ang kanyang tinutukoy na aniya’y lampas na sa paggamit freedom of speech.
Samantala, sinabi ni Santiago na patuloy ang paglaganap ng fake news sa bansa dahil pinagkakakitaan ito ng mga vlogger.
Aniya, tila natutuwa ang ilang vlogger sa pagpapakalat ng pekeng balita dahil maraming views ang kanilang nakukuha na kanila namang pinagkakakitaan.
Dagdag pa ng NBI chief na nasa 20 vlogger ang nasa kanilang listahan at kanilang minomonitor.
- Latest