Benepisyo ng mga katutubo, palalakasin ng Maharlika Partylist
MANILA, Philippines — Prayoridad ng Maharlika Partylist na isulong ang pagkakaloob ng mahusay na serbisyo para sa mga grupo ng katutubong Pilipino sa bansa.
Sa QC Forum sa QC, sinabi ni Dr. Alvin Sahagun, 2nd nominee ng Maharlika Partylist, uunahin nilang maprotektahan ang kapakanan ng mga Indigenous People (IPs) sa bansa na kulang ang natatanggap na tulong sa gobyerno.
Aniya, bilang isang mula sa pamilyang katutubo, marami sa mga IPs ang napapabayaan na mapaunlad dahil kalimitan ng kanilang mga lupa ay ginagawang minahan at mga development areas kaya marami sa mga ito ang naghihirap.
Mayroon anyang komisyon na nangangalaga sa IPs pero kulang ang ngipin para pangalagaan ang kapakanan ng naturang sektor.
- Latest