^

Metro

27-anyos na lalaki patay sa bugbog ng Kuya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang karpintero nang bugbugin ng kanyang nakatatandang kapatid matapos silang magkasagutan sa isang inuman sa Tondo, Manila kamakalawa.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si alyas Onin, 27, ng Parola Compound, Tondo dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Kalaboso naman ang suspek na si alyas Kulas, 54, kuya ng biktima at mahaharap sa kasong pagpatay sa piskalya.

Lumilitaw sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Area H, Gate 19, ng Parola Compound sa Tondo.

Bago ang krimen, masaya pang nag-iinuman ang magkapatid sa naturang lugar hanggtang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pambubugbog.

Sa tindi ng tinamong bugbog, nawalan ng malay ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with