Malikot ang resulta ng mga susunod na election
ASINTADO na ngayon ang mga botanteng Pilipino dahil sa pagbabatuhan ng bulok na itlog ng magkalabang kampo nina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Ang baho n’yan!
Nagising na ang mamamayan sa isyu ng pulitika dahil sa nagkalat na “fake news” at “abuso de ayuda” kaya umaalma na ang dating silent majority groups na sumusorpresa sa resulta ng eleksyon.
Naging hiwaga ang pagkakapanalo ni Digong Duterte bilang Presidente dahil hindi siya nagmula sa hanay ng mga senador at hindi miyembro ng isang malaking political party. Kalaban pa niya noon si Harry Roque. Ha ha ha!
Sa bandang huli lamang nalaman ng taumbayan na sinuportahan ito ng Marcos family na isang haligi ng pulitika sa Ilocos Region.
Magaling na political strategist si Digong kaya hindi namalayan ng taumbayan na ang dating mahigpit na magkalabang Marcos loyalists at grupo ng Dilawan ang umayuda sa tagumpay ni Digong noong 2016.
Nakonkreto ang lahat ng magsanib sina Bongbong at Sara noong 2022 sa ilalim ng Partido Federal at PDP-(Alfonso Cusi) wing. Biniyak ng grupo ni Digong ang lakas ng PDP-Laban. Kawawang Ninoy Aquino at Nene Pimentel. Nabudol!
Ang Liberal Party na ugat ng “Pinklawan” tandem nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan ay political party ng magagaling na naging Presidenteng tulad nina Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal at Benigno Aquino III. Bakit ginawang pinklawan? Pumalpak tuloy!
Naging kritiko ng administrasyon si Digong sa umpisa pa lamang ng panunungkulan ni Bongbong na humantong sa pagkawasak ng UniTeam nina Bongbong at Sara. Aprub daw kay Manang Imee?
Ang pagkaaresto ng ICC kay Digong ay inihahalintulad nila sa naging kapalaran ni Ninoy Aquino sa panahon ni Ferdinand Marcos Sr. Ang layo naman!
Wala nang Dilawan, Marcos Loyalists at Makabayan groups ang susuporta sa “maisug”. Nakakatawa rin ang grupo ng mga senador na ikinakampanya ni Bongbong. Kalaban niya ang halos kalahati. Ngeeek!
- Latest