^

Punto Mo

Lata ng softdrinks na kayang lumamig nang hindi inilalagay sa ref, naimbento sa London!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kumpanyang ­nakabase sa London ang nakaisip ng isang makabagong teknolohiya na ­maaaring magpa-obsolete sa mga refrigerator!

Ipinakilala ng Delta H Innovations ang “Cool Can”, ang unang self-cooling aluminum can sa mundo. Sa simpleng pindot lang sa ilalim ng lata, lumalamig ang nilalaman nito hanggang 6-7 degrees Celsius at nananatiling malamig nang halos 45 ­minutes nang hindi gumagamit ng ­kuryente, ref at yelo!

Lumalamig ito dahil ang base ng lata ay may nakatagong lalagyan ng tubig. Kapag pinindot ang button, bumabagsak ang tubig sa pagitan ng double-­layered wall ng lata, kung saan may espesyal na asin na nagdudulot ng mabilisang paglamig.

Dagdag pa, may indicator ang lata na nagbabago ng kulay mula puti patungong asul kapag sapat na ang lamig.

Ayon sa tagapagtatag ng Delta H Innovations na si James Vyse, posibleng abutin ng 10 minutes bago marating ng inumin ang pinakamalamig na temperatura, depende sa klima.

Ngunit dahil sa disenyo nito, nananatiling malamig ang inumin nang mas matagal kumpara sa ordinaryong lata.

Bagama’t hindi pa ito available sa merkado, nakikipagnegosasyon na ang kompanya sa ­malalaking brand ng softdrinks at ­energy drinks upang isama ang teknolohiyang ito sa kanilang mga produkto.

Balak din nilang subukan ang Cool Can sa mga music festival sa darating na tag-init.

Ang tanging downside? Ang isang 500ml na Cool Can ay maglalaman lamang ng 70 percent ng laman ng isang karaniwang lata.

Pero ayon kay Vyse, sulit pa rin ito dahil sa matitipid sa gastos ng pagpapalamig.

SOFTDRINKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with