‘Tulak’ na bebot huli sa higit P.5 milyong shabu

MANILA, Philippines — Timbog ang isang babaeng high value target matapos masamsam ang higit kalahating milyong halaga ng iligal n a droga, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig City Police Station, sa Taguig City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Taguig CPS chief, PCol. Joey Goforth ang suspek na si “Rohanie,” 52, ng Kabuntalan St., Brgy. Maharlika Village, Taguig City.
Batay sa report, dakong alas-2:20 ng madaling araw ng Marso 23 nang madakip ang suspek sa operasyon ng Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Maharlika Village.
Nasa kabuuang 81.3 gramo ng shabu na nakumpiska na may standard drug price na P552,840.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002) sa Taguig Prosecutor’s Office.
- Latest