^

Metro

Pulis na wanted sa rape, tiklo sa pagdaan sa EDSA busway

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pulis na wanted sa rape, tiklo sa pagdaan sa EDSA busway
Sa ulat ng SAICT at DOTr, naharang at inaresto ang puganteng pulis sa tulong ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos dumaan sa bahagi ng main avenue station ng EDSA busway.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) ang isang pulis na wan­ted sa kasong rape matapos na dumaan sa EDSA busway.

Sa ulat ng SAICT at DOTr, naharang at inaresto ang puganteng pulis sa tulong ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos dumaan sa bahagi ng main avenue station ng EDSA busway.

Ayon sa SAICT, kasagsagan ng rush hour kamakalawa nang mamataan nila ang pulis sa bahagi ng south bound lane ng EDSA matapos na pumasok sa busway.  Kaagad umano nila itong pinara at sinita.

Nagtangka pa umanong tumakas ang pulis nagpakilala upang matakot ang mga arresting officers. 

Dito na humingi ng tulong ang SAICT sa CIDG kung saan nakumpirma na pulis ang suspek na may 10 taon nang wanted sa kasong rape at may nakabinbing warrant of arrest simula pa Pebrero 22, 2016.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with