Direct flight sa mga POGO deportees ipinatupad ng BI
MANILA, Philippines — Inutos ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang direct flights sa mga POGO deportees kasunod ng insidente ng pagtakas ng mga ito gamit ang layover.
Ayon kay Viado, sa ilalim ng BI Board of Commissioners Resolution No. 2025-002, ang mga na-deport na dayuhan na sangkot sa POGO ay dapat na ilagay sa mga direct flights papunta sa kanilang sariling bansa, maliban sa mga kaso kung saan walang direktang ruta mula sa Pilipinas.
Nagsimula nang makipagtulungan ang BI at DOJ sa mga airline at foreign embassy upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng bagong direktiba.
Pinag-aaralan din ng bureau ang mga karagdagang pagpapahusay sa seguridad para sa mga pamamaraan ng deportasyon, kabilang ang mas mahigpit na koordinasyon sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa ibang bansa.
- Latest