Artist na kayang gawing ‘sketch’ ang mga totoong bagay, hinangaan!
ISANG artist sa U.S. ang nag-viral ang mga artwork dahil sa kakayahan nitong gawing tila isang black and white sketch ang mga sapatos, kotse at chapel!
Si Joshua Vides, isang visual artist sa Los Angeles, ay kilala sa kanyang “Reality to Idea” (RTI) technique kung saan binabalik niya ang iba’t ibang bagay sa anyong sketch.
Nagsimula ang lahat nang pinturahan niya ng ang isang pares ng Nike Air Force 1, at pinagmukha niya itong isang dinrowing ng kamay na agad nag-viral sa Instagram.
Dahil sa tagumpay nito, sinubukan naman niyang gawing sketch ang isang 1992 Acura NSX. Ang natatanging disenyo nito ay naging sentro ng isang exhibit at nagbukas ng pinto para sa kanya sa mundo ng automotive art.
Hindi nagtagal, nakipag-collab na siya sa mga bigating brand tulad ng BMW at Ferrari.
Pero hindi lang kotse ang kanyang ginawang obra. Pati ang buong exhibition space ay pininturahan niya ng kanyang signature black-and-white style, na kalaunan ay nagbigay sa kanya ng ideya na gawing sketch-style ang isang buong wedding chapel!
Ngayon, patuloy siyang kinikilala sa fashion, automotive, at iba pang industriya.
Pero kahit abala sa malalaking proyekto, hindi niya nakakalimutan ang kanyang fans, na patuloy niyang pinahahanga sa kanyang Instagram sa pamamagitan ng kanyang mga bagong likha.
- Latest