^

Metro

3-day transport strike, tatapatan ng DOTr

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
3-day transport strike, tatapatan ng DOTr
Commuters wait for available public transportation along Aurora Boulevard in Quezon City on March 19, 2025.
Philippine STAR FB page / Photos courtesy of Jann Conrad Bonifacio

Tren ng LRT, MRT at bus daragdagan

MANILA, Philippines — Tatapatan ng Department of Transportation (DOTr) ng dag­dag na mga tren na bibiyahe sa LRT Line 1,Line 2, MRT 3 at  bus sa EDSA busway  ang 3-day transport strike ng grupong Manibela mula ngayong Lunes, Marso 24 hanggang 26, 2025, Miyerkules.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, isa rin ito sa kanilang nakikitang paraan upang hindi maapektuhan ang mga commuters

Sinabi ni Dizon na magkakaloob din ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng bus rides sa mga apektadong lugar.

Kasabay nito, hinikayat din naman ni Dizon ang mga transport groups na makipag-dayalogo sa kanila, sa halip na mag-protesta.

Pinasisibak naman  sa puwesto ng grupong Manibela kay Dizon ang mga opisyal ng LTFRB.

Samantala, ilang paaralan na ang nag-anunsyo ng paglipat sa online mode, ang ilan ay sa Lunes lamang habang ang iba ay ibabase sa  tagal ng strike o hanggang Miyerkules.

Tiniyak naman ng  transport group na Pasang Masda, na hindi sikla lalahok sa welga.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with