^

Metro

Seguridad sa pamilya ni Jemboy, siniguro ng Navotas police

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa pamilya ni Jemboy, siniguro ng Navotas police
Police officers accused of killing 17-year-old Jemboy Baltazar arrive at the Navotas Regional Trial Court in Navotas City for their hearing on the promulgation of the case on February 27, 2024
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Navotas City Police ang seguridad ng pamilya ng napaslang na 17-anyos na si Jemboy Baltazar matapos na ilabas ng Navotas RTC Branch 286 ang hatol sa anim na pulis na sangkot sa krimen.

Ayon kay Navotas City Police Station Chief PCol Mario Cortes, inatasan niya ang Substation 4 personnel sa pangunguna ni PCpt. Ivan Rinquejo na tutukan ang seguridad ng pamilya Baltazar sa lahat ng oras at maibigay ang lahat ng kailangan na tulong.

Dagdag pa nito, handang magbantay ang pulis sa kanilang kaligtasan 24/7.

Sinabi naman ng pamilya Baltazar na iaapela nila ang desisyon ng korte na pumabor sa mga pulis na walang awang kumitil sa buhay ni Jemboy.

Sa anim na pulis na sangkot, tanging si  PStaff Sergeant Gerry Sabate Maliban ng Intelligence Service (IS) ang guilty sa kasong homicide at pinatawang makulong ng 4 hanggang 6 na taon at pagbabayad ng P50,000 para sa moral at civil damages.

Apat na buwan namang makukulong sina Police Executive Master Sergeant Roberto Dioso Balais Jr., Police Staff Sergeant Nikko Pines Corollo Esquillon (SWAT) at Patrolman Benedict Danao Mangada (SS4) dahil sa kasong illegal discharge of firearms.

Absuwelto sa kaso si Police Staff Sergeant Antonio Balcita Bugayong ng Intelligence Service.

Una na ring sinabi ng Department of Justice na iaapela ang kaso matapos na makitaan ng ilang butas kabilang ang conviction ng isang pulis lamang sa kasong homicide.

NAVOTAS CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with