^

Metro

‘Basic services ‘di dapat hinihingi ng publiko’ – Pasig mayoral aspirant

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Basic services ‘di dapat hinihingi ng publiko’ – Pasig mayoral aspirant
Pasig Map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Pasig Mayoralty bet Sarah Discaya na hangad niyang  maibigay ang  mga basic services sa mga  Pasigueno at hindi na kailangan pang humingi.

Ang pahayag ni Discaya ay kasunod ng  liham na kanyang natanggap mula sa isang  mag-aaral na humihingi ng apat na ballot ng A4 bond paper dahil wala umanong magamit sa classroom. Napipilitan sila sa ‘contribution’ na bawas sa kanilang  baon.

Sinabi ni Discaya na mas kilala sa tawag na Ate Sarah, ang mga kakulangan sa basic services,   tulad ng gamit sa iskwela, mga gamot sa ospital at health centers ay hindi na dapat pinaghihintay at hinihingi sa City Hall at sa halip ay kusang ipinamamahagi sa mga residente.

Tinukoy ni Discaya na ang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pasigueño ay hindi umano natugunan ng kasalukuyang alkalde na si Vico Sotto.

Kaya naman, idiniin ni Ate Sarah na isa sa mga kahulugan ng ‘good governance’ ay ang pagkakaroon umano ng sapat na makamasang serbisyo tulad ng epektibo at sapat na suporta sa sektor ng edukasyon na mapapakinabangan ng mga mag-aaral na Pasigueño.

Kung sakaling maihalal, ang isa sa mga plataporma ni Ate Sarah ay magbigay ng inklusibong scholarship programs sa mga mag-aaral ng lungsod na kung saan pati ang mga estudyanteng pasang-awa ay may karapatan at oportunidad na magkaroon ng scho­larship. 

SARAH DISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with