Pulis sa Camarines Sur tiklo sa P102K shabu

BAAO, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang isang aktibong miyembro ng Camarines Sur Police Provincial Office matapos na madakma ng kanyang mga kabarong pulis sa inilatag na drug buy-bust operation laban sa kanya sa kahabaan ng diversion road ng Zone-1, Brgy. San Francisco, Baao ng lalawigang ito noong Biyernes ng gabi.
Aabot sa halagang P102,000 shabu ang nabawi sa suspek na kinilalang si Staff/Sgt.Jove Cabal alyas “Sgt.Joe”, kasapi ng Camarines Sur PPO-Provincial Intelligence Unit, 35-anyos, may-asawa, residente ng Brgy.San Roque ng naturang bayan at itinuturing na high value individual.
Sa ulat, makalipas ang mahigpit na surveillance operation hinggil sa iligal na transaksyon sa droga ng suspek, alas-11:20 ng gabi ay inilatag ng mga kasapi ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group-5, Baao Municipal Police Station, Special Operation Unit 5, Provincial Drug Enforcement Unit, at PNP Drug Enforcement Group sa pangunguna ni Lt. Ronwaldo Cariño sa supervision ni Col. Joe Wilson Denamarca ang buy-bust operation laban kay Sgt. Joe.
Hindi na nakapalag ang nasabing pulis nang mabilis na dambahin ng mga nakakubling operatiba makaraang magkaabutan ng droga.
- Latest