^

Probinsiya

Ben Tulfo: Kapakanan ng brgy volunteers iprayoridad, bigyan ng life insurance

Pilipino Star Ngayon
Ben Tulfo: Kapakanan ng brgy volunteers iprayoridad, bigyan ng life insurance
Binigyang diin ni senatorial candidate Ben BITAG Tulfo sa mga taga-Nueva Ecija ang kanyang masidhing hangarin na itaguyod ang kapakanan ng mga brgy. volunteers na nagsisilbing frontliners na rumeres­ponde sa mga kala­midad, mabigyan sila ng life insurance at suweldo.

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Isusulong ni senatorial aspirant Ben “BI­TAG” Tulfo na maprayoridad ang mga barangay volunteers na nagsisilbing frontliners sa panahon ng mga kalamidad at sakuna sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa harap ng daan-daang barangay officials, volunteers, at mga estudyante, sa dalawang munisipalidad sa Nueva Ecija kung saan siya ay naimbitahan na panauhing tagapagsa­lita kahapon, sinabi niyang kapag pinalad sa senatorial race, kanyang sisilipin ang kasalukuyang batas patungkol sa disaster and emergency response at mabigyan  ng prayoridad ang kapakanan ng mga barangay volunteers na nagbubuwis ng buhay sa pagsagip ng mga taong nasa kagipitan kapag may kalamidad.

“Papaano kung ikaw ay namatay bilang isang volunteer na frontliner sa panahon ng kalamidad? Anong mangyayari sa iyong pamilya na naiwan? Walang life insurance sa mapanganib na gawaing ito?” pahayag ni Tulfo.

Sa dalawang bayan na naikot ni Tulfo ang Talavera at Rizal, iisa ang kaniyang mensahe, i-prayoridad ang kapakanan ng mga barangay volunteers sa buong Pilipinas, bigyan sila ng life insurance.

Matatandaan kama­kailan na agresibong isinusulong ni Ben BITAG Tulfo ang pagbuo ng Department of Disaster and Emergency. Ito ang hiwalay at bagong ahensya na tututok at mamamahala para magkaroon ng tama at agarang pagresponde sa mga sakuna, agarang pamamahagi ng mga relief goods kasunod ang rehabilitasyon sa mga nasalanta.

Subalit, ang mga ito’y mangyayari lamang sa tulong ng mga kawani ng NDRRMC na nasa ilalim ng OCD at ang mga sa­ngay ng pamahalaan na makikipagtulungan, ang DILG at DSWD.

“Dapat bigyan natin ng dignidad at kahalagahan ang mga volunteer frontliner sa barangay, sa ilalim ng DILG at iba pang sangay. Karamihan sa mga volunteer sa barangay, tumatanggap lang ng allowance, hindi suweldo. Sa kasakulu­yan, ang tinatanggap ng mga barangay tanod at iba pang mga volunteer, mataas na ang P1,000, kada buwan,” dagdag ni Ben BITAG Tulfo.

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with