^

Probinsiya

‘Wanted’ sa murder nanlaban, todas sa pulis!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
‘Wanted’ sa murder nanlaban, todas sa pulis!
Ayon sa report ng Calamba City Police, ang wanted na si alyas Mark Lee, 30-anyos ay idineklarang dead-on-the- spot sa engkuwentro habang ang kanyang live-in partner na si Rowena Manila, 33-anyos, ay dinakip dahil sa direct assault at tangkang pagharang sa mga awtoridad habang inaaresto ang kanyang kinakasama.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

‘Habang sinisilbihan ng warrant

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines —  Patay ang isang lalaking ­wanted sa kasong pagpatay at tangkang pagpatay nang manlaban habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa Calamba City, Laguna nitong Sabado.

Ayon sa report ng Calamba City Police, ang wanted na si alyas Mark Lee, 30-anyos ay idineklarang dead-on-the- spot sa engkuwentro habang ang kanyang live-in partner na si Rowena Manila, 33-anyos, ay dinakip dahil sa direct assault at tangkang pagharang sa mga awtoridad habang inaaresto ang kanyang kinakasama.

Ang operasyon ng pulisya ay nagbunsod sa dalawang arrest warrant na inisyu ng tatlong Presiding Judge sa lungsod ng Calamba.

Nabatid na dakong alas-6:15 ng umaga nitong Sabado nang tangkaing isilbi ng mga mi­yembro ng Calamba Police ang arrest warrants sa wanted na si Mark Lee sa kanyang tirahan sa Barangay Palingon.

Sa halip na sumuko, pinaputukan umano ni Lee ang mga pulis at naghagis pa ng granada ngunit hindi sumabog sa tarangkahan ng kanyang bahay, na nagresulta upang gumanti na rin ng putok ang mga awtoridad.

Inaresto si Rowena nang komprontahin at tangkain umanong salakayin ang arresting team kaya naantala ang pag-aresto sa kanyang kinakasama at nauwi sa shootout.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with