^

Probinsiya

Pagpapasigla sa kabuhayan ng mga mangingisda, isusulong ng FPJ Panday Bayanihan Party-list

Pilipino Star Ngayon
Pagpapasigla sa kabuhayan ng mga mangingisda, isusulong ng FPJ Panday Bayanihan Party-list
Si Brian Poe Llamanzares (gitna), unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, nang subukang sumakay sa maliit na bangka ng mga mangingisda na kanyang tutulungan na mapabuti ang kanilang pamumuhay.

BOLINAO, Pangasinan, Philippines — Nakatuon ang FPJ Panday Bayanihan party-list sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangingisda sa Pangasinan upang makamit at mapanatili ang food security ng bansa.

Ayon kay Brian Poe Llamanzarea, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, kinikilala ng kanilang partido ang mahalagang papel ng sektor ng pangingisda kaya binisita niya ang mga lokal na mangingisda at ina­lam ang kanilang kalagayan at kinakaharap na suliranin.

Nabatid ni Poe, na salat sa bangka ang mga ma­ngingisda kaya nanghihiram na lang sila ng bangka sa kapwa at pumapalaot sila ng halos dalawang kilometro layo upang makapanghuli ng isda.

Ang lalawigan ng Pangasinan ay napapalibutan ng 14 na coastal area na sumasaklaw sa bayan ng Bolinao, Anda, Bani, Burgos, Dasol, Infanta, Sual, Labrador, Lingayen, Binmaley, San Fabian, at ang mga lungsod ng Alaminos at Dagupan.

“Umuunti ang aming nahuhuling isda ng maliliit na mangingisda at walang sapat na kakayahan upang makipagsabayan sa malalaking sasakyang pangi­ngisda,” himutok ng isang fisherfolk sa epektong idinudulot ng malalaking fishing vessels. Pinalalala pa nito ng pagkasira ng mga coral reef sa Pangasinan, na nagsisilbing mahalagang tirahan ng mga isda.

Nalaman pa ang pagkasira ng mga ekosistemang sanhi ng iba’t ibang salik tulad ng pagbabago ng klima, labis na pangingisda, mapanirang paraan ng pangingisda, polusyon, pag-unlad sa baybayin, at pagtaas ng temperatura ng karagatan na nagdudulot ng coral bleaching.

Sinabi ni Poe, handa ang kanyang partido na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gob­yerno upang mailaan ang komprehensibong suporta sa sektor ng pangingisda kabilang ang paglalaan ng programa sa pagsasanay upang mapabuti ang mga pamamaraan sa pangingisda, teknikal na tulong para sa mas episyenteng operasyon, at pinansyal na suporta upang matulungan silang mamuhunan sa mas sustenableng mga gawain.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with