^

Probinsiya

2 motor nagsalpukan: Rider tumilapon, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 motor nagsalpukan: Rider tumilapon, patay
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Batara Tulagan Baliao, nasa hustong gulang na tumilapon sa kaniyang motor makaraang masalpok ng isang Isuzu NMUX na kulay puti at may plakang DAA7391 at minamaneho ng isang alyas “Aaron”.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang rider makaraang mapuruhan sa ulo nang tumilapon mula sa kaniyang minamanehong motorsiklo nang makasalpukan ang isa pang motor habang bumabagtas sa kahabaan ng Go­vernor’s Drive Brgy Manggahan, Gen. Trias City, Cavite.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Batara Tulagan Baliao, nasa hustong gulang na tumilapon sa kaniyang motor makaraang masalpok ng isang Isuzu NMUX na kulay puti at may plakang DAA7391 at minamaneho ng isang alyas “Aaron”.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:00 ng hapon habang minamaneho ng biktima ang kaniyang Honda XRM at binabagtas ang Manggahan Road patawid sa crossing nang makasalpukan nito ang motorsiklo si Aaron na papalabas naman ng Manggahan crossing.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang biktima at sumadsad sa kalsada kung saan bumagok ang kanyang ulo. Agad siyang naitakbo sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital subalit hindi na naisalba pa.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with