^

Probinsiya

Foreman ng Isabela City LGU dedo sa ambush

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang mataas ang katungkulan na kawani ng City General Services Office ng Isa­bela City sa Basilan makaraang tambangan at pagbabarilin sa nasabing lungsod nitong Lunes ng umaga. 

Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials at mga pulis sa Isabela City na nag-responde sa insidente, kinilala ng biktima na si Tingan Pioquinto Mancenido, foreman ng solid waste management team ng local government unit (LGU) ng naturang lungsod.

Sakay ng kanyang motorsiklo si Mancenido, patungo na sana sa kanilang tanggapan, nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Tabiawan, Isabela City, may tatlong kilometro ang layo sa Isabela City LGU operations center.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Isabela City Police Station at ng mga local executives sa lungsod kung sino ang mga pumatay kay Mancenido upang masampahan agad ng kaukulang kaso.

Mariing kinondena ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang walang saysay na pamamaslang kay Mancenido. Aniya, isa itong krimeng walang lugar sa isang lipunang umiiral ang batas at kapayapaan.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with