Tsuper pinasok sa bahay, pinatay!
SARIAYA, Quezon, Philippines — Hindi na nagawang tapusin ng isang tsuper ang ginagawang pagtitiklop ng kanyang mga damit matapos na ito barilin hanggang sa mamatay ng nag-iisang salarin na pumasok sa kanyang bahay sa Sitio Tinong, Barangay Binay 1, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ibat ibang parte ng katawan ay kinilalang si “ Joe “ 32, may live-in partner habang bagamat nakatakas ay nakilala naman ang suspek na si alyas ‘Barbs’ ng Barangay Lutucan.
Ayon kay PLt. Col. Carlo Caceres-acting chief of police dito, bandang alas-7:30 ng gabi ay isinasaayos ng biktima ang kanyang mga damit na isusuot sa trabaho nang walang kaabug-abog na pumasok ang suspek at pinaulanan ito ng punglo.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay naglakad lamang na papatakas ang suspek patungo sa Barangay Lutucan Guis-Guis.
Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo ng suspek sa krimen.
- Latest