^

Probinsiya

72-anyos lolo hulog sa bleacher, todas!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
72-anyos lolo hulog sa bleacher, todas!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si “Tony”, walang asawa at residente sa nasabing lugar.
STAR/File

Habang nanonood ng liga

PITOGO, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 72-anyos na lolo matapos na bumagok ang ulo sa sementadong basketball court nang aksidenteng mahulog mula sa kanyang kinatatayuang bleacher sa Barangay Maaliw ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.     

Kinilala ng pulisya ang biktima na si “Tony”, walang asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:00 ng umaga habang nakatayo umano sa ikaapat na parte ng bleacher na may taas na halos 5-talampakan ang biktima at pinapanood ang Intertown Basketball Tournament nang maganap ang hindi inaasahang insidente. 

Habang nakatutok ang lolo sa kalagitnaan ng laro, at pinanonood na hinahabol ng isang player ang nakawalang bola patungo sa mga manonood na kinaroonan din ng niya (biktima) kung kaya’t nawalan siya ng balanse hanggang sa tuluyang nahulog at una ang ulong bumagok sa sementadong sahig ng basket ball court. 

Mabilis na dinala ang biktima sa Gumaca District Hospital subalit nalagutan na ng hininga sa daan pa lamang.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with