1,035 pulis dineploy sa ‘Panaad sa Negros Occidental Festival’
MANILA, Philippines — Upang tiyakin ang seguridad, nag-deploy ang Negros Occidental Provincial Police Office (NOPPO) ng 1,035 pulis upang mangalaga sa peace and order kaugnay ng ginaganap na ‘Panaad sa Negros Festival’ mula Marso 2-30 ng taong ito.
Sa ulat, pinangunahan nina Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson at P/Col. Rainerio de Chavez at NOPPO Director P/Col. Rainerio de Chavez ang send-off ceremony na Panaad Park and Stadium sa Bacolod City noong Sabado bago ang opisyal na deployment para sa okasyon umpisa nitong Linggo.
Ibinuhos ang todong pagbabantay sa lugar sa umpisa ng okasyon nitong Lunes kung saan todo alerto ang kapulisan sa Panaad sa Negros Festival na dinarayo ng mga turista.
Sa ulat ng NOPPO ang 1,035 na pulis ay mula sa Bacolod City Police Office, Highway Patrol Group, katuwang ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection gayundin ang mga medical units para tiyakin ang kaligtasan ng mga dadalo sa nasabing event.
Nasa 200 emergency response personnel mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan ang idineploy rin para tumulong sa pagmamantine ng seguridad sa festival.
- Latest