Company manager utas sa ambush, misis sugatan

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang manager ng isang pribadong kumpanya habang sugatan naman ang kanyang kabiyak sa isa na namang ambush sa Buluan, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Biyernes.
Sa ulat nitong Sabado ng Maguindanao Provincial Police Office at ng tanggapan ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay sa mga tama ng bala ang 70-anyos na si Arthur Patrimonio Elecanal sanhi ng naturang pananambang, naganap sa población mismo ng Buluan.
Si Elecanal ay manager ng Agumil Agri-Machinery Company sa Buluan, ang kabisera ng Maguindanao del Sur kung saan naroroon din ang kapitolyo ng probinsya. Sugatan ang kanyang kabiyak na si Marilou Elecanal, 66-anyos, sa naturang insidente..
Sa tala ng mga units ng PRO-BAR, ang Buluan ang siyang may pinakamaraming mga insidente ng mga pamamaril-patay sa Maguindanao del Sur mula ng ipatupad ng COMELEC ang nationwide gun ban nitong January 12 kaugnay ng nakatakdang May 2025 elections. Mahigit 10 na ang napatay sa mga serye ng mga gun attacks Buluan mula January 12.
Sakay ng isang pick-up truck ang mag-asawa nang tambangan ng mga armado na nakaabang sa isang bahagi ng highway sa poblacion ng Buluan. Nawalan si Elecanal ng kontrol sa manibela ng minamanehong sasakyan sanhi ng mga tama ng bala na tinamo nang sila ay tambangan.
- Latest