VP Sara masisibak sa puwesto sa mga banta kay Pangulong Marcos – Gadon
MANILA, Philippines — Naniniwala si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na posibleng matanggal bilang bise presidente ng bansa si Vice President Sara Duterte kasunod ng kanyang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Gadon, irerekomenda niya sa mga Kongresista na ideklarang “incapacitated” o wala nang kakayahang mamuno si Duterte matapos ang mga binitawan nitong pahayag na siya ay kumausap na ng “assassin” para patayin si PBBM.
“Her threats to kill the President, the First Lady, Liza Araneta Marcos and Speaker Maritn Romualdez is a clear manifestation of an unstable mind and abnormal thinking, so therefore she is mentally incapacitated,” ani Gadon.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa pulong-balitaan nitong Biyernes matapos dalawin ang kanyang chief of staff na si Zuleika Lopez na inilipat sa St. Lukes hospital matapos makulong sa House of Representatives, detention facility.
Paliwanag pa ni Gadon, dalawa ang paraan upang matanggal ang Vice President ng House of Representatives, bukod sa pagdedeklarang ito ay “incapacitated na”, at maaari rin itong tanggalin sa pamamagitan ng impeachment. Ito aniya ay sa kadahilanang hindi maipaliwanag ni VP Sara kung paano ginasta o saan napunta ang daang milyong “confidential funds” ng kanyang opisina.
- Latest