Ronald dela Rosa posibleng isunod kay Rodrigo Duterte
Ihaharap sa paglilitis ng ICC
MANILA, Philippines — Posibleng susunod na si dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ihaharap sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng ‘crimes against humanity’ sa madugong giyera kontra droga.
Ito ang paniniwala ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Partylist dahil si Sen.Bato ay kasama sa kaso.
Kinatigan ni Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega, ang pahayag ni Acidre na ipinahiwatig na base sa mga kaganapan ay isinusuhestiyon ng kaso sa ICC na mag-isyu ng warrant of arrest sa iba pang mga respondents sa kaso.
Si Dela Rosa bilang kauna-unahang PNP Chief sa ilalim ng administrasyong Duterte ang siyang nagpatupad ng Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang sa madugong giyera kontra droga.
Base sa report, hindi matagpuan ang Senador matapos namang arestuhin at ibiyahe patungong The Hague, Netherlands si Digong.
Nanawagan naman si Acidre kay Dela Rosa na pairalin ang batas dahilan isa itong halal na opisyal na mandato sa sinumpaan nitong tungkulin na irespeto ang legal na proseso.
- Latest