^

Police Metro

Rating ni Discaya patuloy sa pagtaas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nagkaroon nang pagtaas sa trust rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo.

Karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod. Batay sa resulta ng independent survey ng Pulso ng Lipunan si Discaya ay nakakuha ng 44 percent na suporta mula sa mga rehistradong botante sa lungsod at 2 percent na lamang ang kalamangan sa kaniya ni incumbent Mayor Vico Sotto na nakakuha naman ng 46 percent.  Ayon sa mga taga-Pasig, si Discaya ay may kakayahang mapagbuti ang mga serbisyo sa lungsod dahil sa kaniyang pagiging makatao at karanasan sa public service. Batay sa isa lang independent poll survey, tumaas din ng 3 percent ang rating ni Discaya at nakapagtala ito ng 46 percent na mas mataas sa 43 percent na nakuha ni Sotto.

Ayon sa parehong survey, ang pagtaas ng rating ay dahil sa kaniyang pagsusulong na matulungan ang mga underprivileged, pagkakaloob ng libreng gamutan, pangakong magpatayo ng mga bagong silid-aralan, magbigay ng libreng textbooks sa mga mag-aaral, at magpatayo ng modern hospitals para sa mahihirap na pamilya.

Lumitaw din sa survey na may mga residente ng lungsod ang nagpahayag umano ng pagkadismaya sa TikTok trends ng kasalukuyang mayor ay  hindi umano naman nakatutulong para mapagbuti ang buhay ng mga Pasigueño.

SARAH DISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->