^

Police Metro

VP Sara, lumipad patungong The Netherlands

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na lumipad patungong The Netherlands si Vice President Sara Duterte kahapon ng umaga kasunod nang pag-aresto sa kanyang amang si da­ting Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon sa Office of the Vice President (OVP), umalis ng Maynila ang bise president, alas-7:40 ng umaga kahapon, lulan ng Emirates flight No. EK 337, patungong Amsterdam.

Nabatid na magtutungo ang bise presidente doon upang makipagkita sa legal team ng kanyang ama at talakayin ang kasong crimes against humanity na kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC).

Kabilang sa inaasahang tatalakayin nila ay ang mga legal na opsiyon na maaaring gawin para sa dating pangulo.

Hindi na rin naman nagbigay ng ibang detalye hinggil dito ang OVP.

Matatandaang inaresto ang dating pangulo ka­makalawa paglapag niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) galing ng Hong Kong at matapos ang 12 oras na detensiyon sa Villamor Air Base ay isinakay sa isang chartered flight patungong Dubai, alas-11:03 ng gabi.

Pinahintulutan siyang magsama ng tatlong tao kabilang dito si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->