Pag-angkin ng Tsina sa Palawan prinotesta
MANILA, Philippines — Isang bagong kilusan ang nagprotesta sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan, kahapon.
Ang mga daan-daang Pilipino sa ilalim ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement) ay nagtipon-tipon upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa agresibong pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) , ang protesta ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at makabayang pagtindig laban sa pag-agaw ng teritoryo ng Pilipinas. Hinikayat din niya ang mga Pilipino na tumindig at magkaisa laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon at pag-agaw ng teritoryo.
Ang pagprotesta ay isang pagpapakita ng pagtutol sa agresibong pagpapalawak ng teritoryo ng Tsina sa West Philippine Sea, na ayon sa UNCLOS at sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016, walang basehan ang historical rights na iginigiit ng Tsina.
- Latest