P1.2 bilyong halaga ng vape at pekeng produkto nasabat ng BOC
MANILA, Philippines — Isang warehouse sa Malabon City ang ipinasara ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) nang matuklasan na ito ay naglalaman ng tinatayang P1.2 bilyong halaga ng ipinagbabawal na vapes at mga pekeng produkto tulad ng mga sapatos, bags, at cosmetics.
Paalala ni BOC Commissioner Bien Rubio mag-ingat sa mga binibili dahil ang mga pekeng produkto ay maaaring may banta sa kalusugan.
Ipinaliwanag ni CIIS Director Verne Enciso, na ang pag-inspeksyon nila sa warehouse sa Barangay Tanong, Malabon City ay kasunod ng inisyung Letter of Authority (LOA) ni Rubio.
Nadiskubre ng mga ahente ng CIIS-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang mga disposable vape brand na Kylinbar na walang ICC stickers mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Trade and Industry (DTI).
Umapela rin si BOC Deputy Commissioner for the Intelligence Group Juvymax Uy sa publiko sa hindi magandang dulot ng pagtangkilik sa mga pekeng produkto.
Sinabi ni Uy na lalo kasing lalakas ang loob at lalong kikita ang mga negosyanteng sangkot sa ilegal na gawain kung patuloy silang tinatangkilik ng mga consumer.
- Latest