^

Police Metro

Ex-President Rodrigo Duterte, ­Ronaldo dela Rosa bigong makakuha ng TRO

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigo ang kampo nina dating Pang. Rodrigo Duterte at Senador ­Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa na agarang makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema kaugnay ng hiling nilang pigilan ang pamahalaan sa pakikipag-kooperasyon sa International Criminal Court (ICC).

 Kasunod na rin ito nang ginawang pag-aresto ng mga otoridad kay dating Pang. Duterte kamakalawa bunsod ng kinakaharap nitong crimes against humanity sa ICC dahil sa kanyang war on drugs.

Sinabi ni Supreme Court (SC) Spokesperson Camille Ting, na matapos ang isinagawang deliberasyon sa 94-pahinang petisyon na inihain nina Duterte at Dela Rosa ay natukoy nilang hindi nakapag-establisa ang mga petitioner ng ‘clear at unmistakable right’ para sa agarang paglalabas ng TRO.

Gayunman, inatasan ng Mataas na Hukuman ang mga respondents sa petisyon na magsumite ng komento sa natu­rang petition with prayer for TRO and/or writ of preliminary injunction nang may ‘non-extendible period’ na hanggang 10 araw mula sa araw na matanggap nila ang kautusan.

Matatandaang ­unang naghain sina Duterte at Dela Rosa ng Petition for Certiorari and Prohibition with Prayer for the Issuance of Temporary Restrai­ning Order (TRO) and/or Writ of Preliminary Prohibitory and Mandatory Injunction sa SC matapos na arestuhin ang dating Pangulo sa NAIA kamakalawa.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->