Malacañang pinabulaanan kumakalat na isyu kay FL Liza

MANILA, Philippines — Pinabulaanan kahapon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na hinarang o hinuli ng law enforcers si First Lady Liza Marcos sa kaniyang pagbisita sa United States.
“There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA (Los Angeles) or and in any other place,” ani Castro.
“FL arrived in Manila at around 5 AM [on Monday.] At 5:58 AM, she was already on her way to her place from the airport,” dagdag pa niya.
Si First Lady Marcos ay sinasabing nasa Miami, Florida at Los Angeles, California mula Marso 5 hanggang 8 para makiisa sa mga event na ‘Meeting of the Minds’ at ‘Manila International Film Festival’.
Ang pahayag ng Malacañang ay bunsod sa mga kumakalat na ulat sa social media na pinigilan ng mga otoridad sa Amerika dahil sa hindi agad nitong pagrereport sa pagkamatay ng isang kilalang negosyante na kanyang kasama.
- Latest