^

Police Metro

Ginang na 7 buwan buntis pisak sa atras ng dump truck

Doris Franche-Borja - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang ginang na 7 buwan buntis habang sugatan ang kanyang mister at 11-na buwan na anak makaraan maatrasan ng dump truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo, noong Martes sa Cebu City.

Kinilala ang nasawi na si Rothchell Hernani, habang sugatan ang kanyang mister na si Juan Secretaria, 29, driver ng motorsiklo, at kanilang anak na si Nathan, pawang mga residente ng Sitio Dakit, Brgy. Cambang-ug, Toledo City.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng dump truck na kinilalang si Roldan Cabiluna Labajo, 45, residente ng Campo 2, Barangay Jaclupan, ­Talisay City.

Ayon kay Police Staff Sergeant Jonathan Cuizon, imbestigador ng Toledo Police Station, alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Cambang-ug, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Labajo ang dump truck na puno ng karga ng buhangin patungong Sitio Anislag, Barangay Canlumampao, Toledo City habang nasa likuran nito ang mag-anak na biktima sakay ng motorsiklo na patungo sa Barangay Talavera, Toledo para dalawin ang namayapang magulang.

Kuwento ni Labajo, habang paakyat ang truck bigla na lamang nagkaproblema ang makina at hindi na rin kumagat ang preno.

Dahil dito, naatrasan niya ang motorsiklo ng mga biktima dahilan para tumilapon ang mga ito at nadaganan ang buntis na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.Nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso ang driver ng truck.

AKSIDENTE

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with