AFP: ‘No destab’ sa pag-aresto kay Duterte
MANILA, Philippines — Walang namumuong destabilisasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang pagsisilbi ng Interpol ng warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang espekulasyon lamang ang kumakalat na may maglulunsad ng military action o pag-aaklas at wala aniya itong basehan.
“We remain to be solid and professional, unequivocally committed to the chain of command and the democratic institutions of the Philippines,” paniniyak ni Padilla na iginiit na nakapokus lamang ang AFP sa core mission nito na bantayan ang pambansang seguridad at panatilihin ang katatagan ng bansa.
Sa kasalukuyan, ayon pa kay Padilla ay matatag ang seguridad ng bansa at aktibo sa pagmomonitor sa kaganapan ang AFP na nakahandang magresponde sa anumang banta sa peace and order.
- Latest