Bangkay ng bagong silang na sanggol, natagpuan sa basurahan ng ospital
MANILA, Philippines — Isang bangkay ng bagong silang na sanggol ang natagpuan sa basurahan ng banyo ng isang ospital sa Ermita, Maynila, kamakalawa.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nag-iwan ng sanggol na lalaki sa waste bin ng ladies’ comfort room, na matatagpuan sa ground floor ng Manila Doctors’ Hospital sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.
Ayon sa Manila Police District (MPD) - Homicide Section, dakong alas-3:20 ng hapon nang makita ng personnel ang isang kulay dilaw na plastic bag sa waste bin habang naglilinis ng palikuran.
Kaagad naman niyang ipinagbigay-alam sa safety officer ng hospital ang nakitang kahina-hinalang plastic bag.
Nang buksan, dito na tumambad sa kanila ang patay na sanggol na nakakabit pa ang inunan. Dinala na ang sanggol sa Funeraria Cruz para sa safekeeping.
- Latest