Respeto at pangangalaga sa kababaihan palakasin - Nograles
MANILA, Philippines — Binigyang diin ni dating congressman at Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles na marami pang dapat gawin ang lokal na pamahalaan ng Davao City para sa tunay na iparamdam ang repesto at pangangalaga sa hanay ng mga kababaihan. Kasabay sa pagdiriwang ng Women’s Month, sinabi ni Nograles na kabilang sa nakikita niyang dapat pagbutihin ng lungsod ang pagkakaroon nito ng support system para sa mga kababaihan, gayundin ang pagpapalakas sa Violence Against Women and Children (VAWC) desks sa bawat local police at government offices.
Inihayag din ng long-time public servant na dapat ding dagdagan ang pondo para sa Child Development Centers, pag-ibayuhin ang breastfeeding at nutrition programs kung saan dapat ding magkaroon ng epektibong pagtalakay at pagresolba sa teenage pregnancy, at mapalawak ang employment at business training para sa mga kababaihan.
Bukod sa economic opportunities, sinabi ni Nograles na kailangang palakasin din ang paglaban sa domestic violence, workplace discrimination, at hindi pantay na access sa edukasyon.
“Tutok ang kailangan dito—hindi lang lip service dahil dumating na naman ang Buwan ng Kababaihan,” pahayag pa ni Nograles.
- Latest