Gadon dismayado sa inasal ni VP Sara sa Kamara
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa ipinakitang asal ni Vice President Sara Duterte kamakailan kaugnay ng budget hearing ng Kamara sa OVP.
Ayon kay Gadon, tungkulin ni VP Sara na ipaliwanag sa Kongreso ang kanyang hinihinging budget alinsunod sa National Expenditure Program (NEP) ng pamahalaan at naisasama sa General Appropriations Act (GAA).
Paliwanag ni Gadon, ang GAA ay batas kung saan kailangan na malinaw ang paggastos ng pondo. Aniya, napupunta sa maling paggastos kung walang tamang sistema.
Ipinagtataka rin ni Gadon kung bakit hindi maipaliwanag ni VP Sara ang proposed budget at kailangan pang basahin sa kanyang cellphone.
Obligasyon ng mga kongresista na magtanong at repasuhin ang budget proposal.
- Latest