^

Probinsiya

83-anyos naingayan, ulo ng kapitbahay sinibak!

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos humiwalay na ang ulo sa katawan at namatay noon din ang isang magsasaka makaraang tagain ng matandang lalaking sinasabing naingayan kamakalawa ng umaga sa Barangay Villa Espina, Lopez, Quezon. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnel Llamado Sipocot, 31, may live-in partner at residente ng nasabing lugar habang naaresto ang kapitbahay na suspek na si alyas “Gregorio”, 83-anyos.

Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima sa pulisya, bandang alas-8:30 ng umaga habang isinasalansan ng biktima ang mga dahon ng buli na kanyang ibebenta sana nang biglang lapitan ng lolong suspek buhat sa likuran at walang sabi-sabing inundayan ng taga sa batok gamit ang gulok na may habang 20 pulgada. 

  Bunsod nito, hagip ng itak hanggang leeg ng biktima kaya halos naputol ang ulo nito na agad bumagsak at namatay sa lugar. 

Naaresto naman ng mga rumespondeng miyembro ng Lopez Municipal Police Station ang suspek at nabawi rito ang itak na ginamit sa pananaga sa biktima.

Ayon sa lolo, naingayan siya sa ginagawa ng biktima kung kaya sa matinding galit ay kanyang sinibak sa ulo. 

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->