^

Bansa

SolGen Guevarra ‘di magre-resign

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinauubaya na ni Solicitor General Menardo Guevarra kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. kung mananatili pa siya sa puwesto matapos tumangging katawanin ang mga opisyal ng gobyerno sa mga petisyon sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte..

“I leave it to the President,” pahayag ni Guevarra sa media matapos na mahingian ng komento hinggil sa pahayag ng Malakanyang na dapat na niyang i-assess ang sarili kung nararapat pa siyang maging Solicitor General.

Nauna rito, naghain ng manipestasyon si Guevarra sa SC na tumatangging katawanin ang mga opisyal ng pamahalaan na respondents sa consolidated habeas corpus petitions ng mga anak ni Duterte na humihiling na maibalik ng bansa ang kanilang ama.

Anang OSG, posib­leng hindi nila epektibong mairepresenta ang mga respondents sa naturang mga petisyon dahil sa kanilang paniniwala na ang International Criminal Court (ICC) ay walang hurisdiksiyon sa Pilipinas.

Sinabi rin naman ni Guevarra na mananati­ling pareho ang posisyon ng OSG kahit sino pa ang mga personalidad na sangkot dito.

Si Guevarra ang nagsilbing kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa panahon ng administrasyong Duterte.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->