Pag-aresto kay Duterte, nagtaas sa popularidad ng Duterte Youth Partylist
MANILA, Philippines — Nakatulong sa Duterte Youth Partylist ang isyu ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang lumabas sa pinakabagong 2025 Pre-Election Party-List Preferential Survey ng Tangere kung saan nakapagtala ng 3% pagtaas sa voter preference ang Duterte Youth Party-List.
Ang pagtaas na ito ay pinangungunahan ng mga botante mula sa Visayas at Mindanao na may edad 18-30 taon.
Kasunod ng Duterte Youth Party-List, apat na party-list ang inaasahang magkakaroon ng tig-dalawang puwesto sa Kongreso ang 4PS – 7.00%; ACT-CIS – 4.50%; Tingog – 4.50% at Ako Bicol – 4.33%
Samantala, 40 iba pang party-list ang tinatayang makakakuha ng tig-isang puwesto.
Ang survey ay isinagawa noong Marso 12-15, 2025, gamit ang isang mobile-based respondent application na may sample size na 2,400 kalahok gamit ang Stratified Random Sampling method (Quota Based Sampling).
- Latest