Ben BITAG Tulfo: ‘Kailangan na natin ng Department of Disaster and Emergency’

MANILA, Philippines — Gustong isulong ni Ben BITAG Tulfo ang pagbuo ng Department of Disaster and Emergency at ilagay sa ilalim nito ang National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Sa kasalukuyan, ang NDRRMC ay nasa ilalim ng Office of Civil Defense kung saan ang OCD ay nasa ilalim naman ng Department of National Defense (DND).
Ayon kay Ben BITAG Tulfo, kinakailangang ihiwalay na ang NDRRMC para magkaroon ng tama at agarang pagresponde sa mga sakuna, agarang pamamahagi ng mga relief goods kasunod ang rehabilitasyon sa mga nasalanta.
Sa datos ng World Risk Index (WRI), numero unong disaster-prone country ang Pilipinas sa buong mundo simula 2009, 2023 at 2024.
“Ang mga bagyo at pagbaha ngayon ay unpredictable at talagang mapaminsala. Kung dati ang Mindanao ay traditionally safe, ngayon, hindi na tayo ligtas,” paliwanag nito.
Sakop ng isinusulong niyang Department of Disaster and Emergency ang pangangalaga sa kapakanan ng mga kawani nito.
“I want to take this opportunity, in God’s will and God’s grace if I win, I want to revisit the existing House Bill 8165 or the Department of Disaster Resilience Act na pumasa noon sa Kongreso noong 2020, na minaliit naman ng ilang mga senador noong nakaraang administrasyon,” paliwanag ng senatorial candidate sa 4-day training sa disaster preparedness ng Liga ng mga Barangay Tacloban Chapter.
- Latest