BIR bubusisiin tax ng socmed influencers

MANILA, Philippines — Bumuo ng isang special task force ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang magsagawa ng pagbusisi sa tax compliance ng mga social media influencers sa bansa.
Ayon kay Atty. Ron Mikhail Uy ng BIR, ang naturang task force ang magsasagawa ng pag-imbestiga sa mga social media influencers at pagpapalabas ng letters of authority sa mga influencers para sa tax audit.
Sa ngayon may 27 social media personalities ang sinusubaybayan sa pagbubuwis ng BIR pero hirap din ang BIR na habulin ang mga ganitong taxpayers lalupat hindi sila kompanya at ang ilang influencers ay kapareho ng pangalan ng ibang taxpayers.
May isa umano dito ay may 17-18 pangalan.
Aalamin din ng BIR kung ang mga social media platforms tulad ng Facebook, Youtube, Instagram at X na pawang mga “non-resident foreign corporations ay nagbabayad ng buwis sa Pilipinas mula sa perang kinikita sa ating bansa.
Sinasabing ang isang influencer ay tumatabo nang halos P5 milyon kada araw.
- Latest