Hirit na mag-resign Pangulong Marcos tinabla ng Palasyo

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Malakanyang ang panawagan ng mga supporters ni dating pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw sa puwesto.
Kinuwestyon din ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, kung sino ang makikinabang sakaling magbitiw ang Pangulo sa puwesto.
“Kung pinagre-resign nila ang Pangulo, sino ang makikinabang? Kahit sabihin niyan na mga supporter ang nagsabi, siya pa rin ang makikinabang,” pahayag pa ni Castro. Nanindigan naman si Castro na transparent ang gobyerno sa anumang transaksyon hindi tulad ng Bise Presidente na maraming itinatago tulad sa kanyang confidential funds.
Wala rin aniyang inilihim ang administrasyon sa ginagawang pagpapatakbo sa gobyerno at hindi kakayanin ng isang taon na mamuno kung maraming inililihim, maraming tinatago at hindi nagpapakita ng dokumento, lalo na pagdating sa pondo na tila ang pinatutungkulan ay si Vice President Duterte.
Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng panawagan ng mga supporter ng dating Pangulo sa The Hague, Netherlands na humihiling na pabalikin sa Pilipinas si Duterte.
- Latest