Rep. Pulong nag-‘tour’ sa 17 bansa

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Kamara si Davao City Rep. Paolo “Pulong “ Duterte na mag-ikot sa 17 bansa para sa kanyang personal na lakad.
Sa travel clearance na nilagdaan ni Secretary General Reginald Velasco, binigyan ng pahintulot si Rep. Duterte na bumiyahe mula Marso 20-Mayo 10, 2025.
Nasa kanyang itinerary ang Hong Kong, China, Malaysia, Indonesia, South Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, U.S., Australia, UK, Netherlands, Germany, France, Belgium, Italy, at Singapore.
Sa una, humiling si Duterte ng mas maikling biyahe at mas kaunting destinasyon. Noong Marso 11, 2025, lumiham itong muli kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang humiling ng travel clearance para sa isang personal na biyahe patungong Netherlands at Japan mula Marso 12-Abril 15, 2025. Noong Marso 17, nagsumite siya ng binagong request para sa biyahe sa London at China mula Marso 17-Abril 20.
Pagsapit ng Marso 20, lumawak na ang kanyang plano —sumasaklaw na sa 17 bansa sa tatlong kontinente, at pinalawig hanggang Mayo 10.
Ayon sa mga liham ni Duterte, personal niyang sasagutin ang lahat ng gastusin sa nasabing biyahe.
- Latest