ICC iginiit hurisdiksyon sa Pinas bago kumalas

MANILA, Philippines — Nanindigan ang International Criminal Court (ICC) na may hurisdiksyon ito sa mga krimeng naganap bago mag-withdraw ang Pilipinas mula sa Rome Statute.
Sa ulat ng programang State of the Nation, nilinaw ni ICC spokesman Fadi El Abdallah,na ang mga kaso ay naganap mula 2011 hanggang 2019, na taon naman kung saan nag-withdraw ang gobyerno ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
Sinabi pa ni Adballah na ang pagkalas ay hindi apektado ang obligasyon at hurisdiksyon ng ICC kundi apektado lamang ang hinaharap.
Sa usaping legal naman sa pagkakaaresto ni dating pangulong Duterte, bahala na aniya ang ICC judge na magdesisyon sa naturang isyu.
Dagdag pa ni Abdallah, kung mayroong hahamon sa legalidad ng pagkakaaresto ay maaari naman itong isumite sa mga huwes at sila na ang bahalang magdesisyon dito.
- Latest