Roque: ‘Di na ko tago nang tago

Sa hirit na asylum sa Netherlands
MANILA, Philippines — Tila nakahinga ng maluwag si dating Presidential spokesman Harry Roque matapos na matanggap ang kanyang aplikasyong asylum sa The Hague, Netherlands.
Sa isang pagtitipon sa nasabing bansa, sinabi ni Roque na mayroon na siyang karapatang hindi umalis sa naturang bansa at hindi na siya ipapadeport pabalik dito sa Pilipinas.
“I am a bonafide asylum seeker, So I now have the right to not deport,” giit pa ni Roque.
Paliwanag pa ni Roque hindi siya maaaring pabalikin dito sa bansa dahil tumatagal ng mga isang taon at kalahati ang proseso ng asylum.
Ibinunyag din niya na mahigit anim na buwan siyang nagtago simula ng maglabas ng warrant of arrest ang Kamara laban sa kanya.
“No more hiding, that’s why I signed my application,” dagdag pa ni Roque.
Sinabi pa ng dating opisyal na ang paghiling ng asylum ay nagbibigay sa kanya ng proteksyon mula sa deportasyon sa ilalim ng prinsipyo ng non-refoulement, na nagbabawal sa pilit na pagbabalik ng mga naghahanap ng asylum habang pinoproseso ang kanilang aplikasyon.
Matatandaan na si Roque ay isang dating human rights lawyer at nahaharap sa alegasyon ng pagkakasangkot sa POGO hubs sa Pampanga at Tarlac.
Bigo rin siyang sumunod sa pagdinig sa House Qua committee dahil para i-contempt siya at mag-isyu ng arrest warrant laban sa kanya.
- Latest