^

Metro

TRO vs Automation Election Law hiling sa SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Hiniling sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher Tolentino at Dr. Michael Raymond Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang Temporary 
Restraining Order (TRO) laban sa ilang probisyon sa Automated Election Law na umano’y hindi patas sa ilang kandidato.

Nabatid na naghain ng petition nitong Miyerkules sa SC sina Tolentino at Aragon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Section 11 ng Republic Act 8346 na inamyendahan ng Section 13 ng Republic Act 9369. Ang kaso ay isinampa laban sa Commission on Elections, Executive Secretary Lucas Bersamin, Senate President Francis Escudero at Speaker Martin Romualdez.

Nais ng mga petitioner na mag-isyu ng TRO at writ of prohibition ang SC upang ipatigil ang probisyon na labag sa Kontitusiyon at hindi patas sa mga kandidato. Isa sa mga tinukoy ng petitioner ay ang pre- mature campaign ng mga mayayamang kandidato laban sa maliliit na kandidato na maikokonsidera lamang kandidato sa pagsisimula ng kampanya.

Tinawag na “unfair’ ng mga petitioner ang probisyon dahil mas nakapagpapakilala ng mas maaga ang mga mayayamang kandidato dahil sa kanilang pondo at makinarya. Hindi naman napaparusahan ang mga nagsasagawa ng pre-mature campaign.

 

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with